behind backpack and sneakers

About Me

that's alright, i'm okay...i think God can explain

My Categories

    your name:

    url:

    your message:

    February 27th, 2007

    fallout boy unexpired

    Posted by elbimbo at 07:31 PM on February 27, 2007.

     

     

    we're going down down

    in an earlier ground

    and sugar we're going down swinging

    i'll be the number one with the bullet

    a loaded gun complex cock it

    and pull it

    1 piling panauhin

    April 21st, 2005

    one liner

    Posted by elbimbo at 01:42 PM on April 21, 2005.

    binubuhay ako ng pag-asang....

    "SIGURO NAIISIP MO DIN AKO.. KAHIT PAMINSAN- MINSAN LANG.."

    Currently feeling: down..down..down

    4 piling panauhin

    March 17th, 2005

    THE ANSWER

    Posted by elbimbo at 04:44 PM on March 17, 2005.

    bakit ka ganyan?!

    UNFAIR KA!! NILILITO  MO KO!!

    bakit pag mahirap ang buhay akala ko iniiwan mo ko?

    pag tinatalikuran na kita bigla kang nagpaparamdam

    pag may problema ako, tinataguan kita

    kala ko tinatawanan mo ang mga iyak ko

    pero hinahanap mo pa rin ako

    papansin ka talaga..

    pag napapagod na ko, ayoko nang tumuloy

    pero nagbubukas ka ng pinto

    alam ko na kung saan ako pupunta

    di na ko amg-iisip, di na ko mapapagod

    parang kelan lang, pinag-iisipan ko tong abang buhay ko

    mababa kasi ang mga grades ng plates ko

    kelangan kong pumasa sa comprehensive exam

    yun lang ang makakahila sa grades ko.

    at sinabi ko sayo: "pag bumagsak ako sa subject na to, magshishift nako. baka iba ang plano mo para sakin. bahala ka na"

    LUNES ng umaga, ganda ng ngiti ng prof ko

    sabi nya: "ikaw si E******* diba? highest ka sa compre.."

    ANG SARAP NG PAKIRAMDAM.. parang gusto kong halikan lahat ng makakasalubong ko.

    parang napatawad ko na lahat ng kaaway ko.

    alam ko na ang sagot, hindi nako magtatanong..

    pero meron pa kong gustong malaman.. favorite mo ba ko??

    sa July pa ang birthday ko, pero Papa Jesus,

    salamat sa gift huh..

    buti na lang UNFAIR KA!!!...

    Currently listening to: Unforgetful You
    Currently feeling: relieved

    1 piling panauhin

    March 4th, 2005

    Sa inis ko

    Posted by elbimbo at 06:32 PM on March 4, 2005.






    Alam mo ba kung anong pakiramdam ng nagmamadali?
    Paggising mo ng umaga tirik na ang araw
    ciempre madalian ang ligo, ayos at kain
    “wag na maarte sa toothbrush”
    Paalis ka na sana pero naiwan mo pala ang ID mo
    ...so binalikan mo sa kwarto
    Aalis ka na talaga...
    E pagsara mo ng gate biglang sumama ang tiyan mo
    ...“mamaya na lang”
    Sobrang pagmamadali mo, sumakay ka sa jeep na puno
    tiniis mo kahit isang pisngi lang
    E siguro alam mo ang feeling pag nasiraan ang bus na sinakyan mo
    sa expressway pa naman
    So lumipat ka sa kasunod na bus...
    tumayo ka ng isang oras
    Pagdating mo sa school nasalubong mo ang klasm8 mo
    “Pare, may meeting si sir, nagcheck cia ng attendance kanina”

    Hell yeah!!!
    One good day coming up!


    3 piling panauhin

    heavenly experience

    Posted by elbimbo at 06:15 PM on March 4, 2005.










    02 March 2005

    Yes, i was at the 3rd row of patron seats
    I missed 2 evening subjects
    Yes I was seated at the center isle close to Donita Rose
    No, Donita Rose & a friend walked in and sat next to me (hehe, I didn't mind)
    Barbie's Cradle started their intense set
    They finished...lights dim
    After a pee break, Jars of Clay climbed up the stage
    Everybody stood up and drew themselves near the stage
    I did, too, I headed in front
    They played and I was so quiet
    -couldn't shout, clap, sway or jump
    I was dumbfounded the entire set
    The band did this 'karaoke thingy' where they invited someone up the stage and let that person sing the lyrics of 'Unforgetful You'



    E ano kung sinasabi nyong nag-aksaya lang ako ng Php2350?
    -na maraming pagkain ang mabibili ng Php2350?
    -at pwede ko naman makita ang Jars Of Clay sa TV?
    You didn't know how much I cried when the Smashing Pumpkins broke up.
    Knowing no snowball chance in hell that I'll ever see them play live and together.
    You didn't know how it felt when I missed the Lotus Eaters concert in Manila
    You didn't know how empty I was when Battery broke up.
    That the first time I saw them was gonna be the last.
    I didn't mind burning pockets- even all the savings in my entire lifetime.
    After all, food just don't suffice.
    Its music that kept me breathing all along.




    My heart sank hearing them play their last song
    -I wished that night will never end
    But it did... Php2350 is over...

    Good thing I took photos of them.
    Still memories that I will cherish for the rest of my life
    Thanks for that night- I've no regrets
    The next morning I woke up enlightened, fulfilled and brokenhearted..




    (...isusunod ko nlng ang pix...)

    3 piling panauhin

    January 24th, 2005

    DALUYONG

    Posted by elbimbo at 10:37 AM on January 24, 2005.

    naglalakad..
    naglalakad ng marahan
    ito na ang kalayaan
    ang buhok na naaarawan
    ang putik sa talampakan

    mga boses na naririning
    ang puno'y nagsasabing:
    sa akin ka lumilim
    ang lupa'y humihiling:
    ako'y iyong yakapin

    uupo sa bato
    tatanga sa kawalan
    bibilang ng tatlo
    pabalik sa nakaraan

    daluyong sa puso
    daluyong sa utak
    papasok sa bungo
    at ang luha'y dadanak

    lalakad ka ng masaya
    lalakad ka papalayo
    may kislap na sa 'yong mata
    may kulay na ang 'yong mundo

    nawala at nilisan
    ang daluyong sa akin
    at hindi napakinggan
    ang paghikbi ng hangin

    3 piling panauhin

    November 26th, 2004

    TRIPPING ON PIMPLES

    Posted by elbimbo at 11:19 AM on November 26, 2004.

    pimples sa ilong, pimples sa noo
    merong maliit, merong lumolobo
    wag maiinis sa pimples sa balat
    wag papansinin baka lalong kumalat
    wag hahawakan, wag titirisin
    yan ang tanda ng matinding damdamin
    ang buhay ay talagang nakakatawa
    mga hindi masabi sa mukha nakikita
    sa mga nananahimik, nagtatago sa dilim
    sa pimples makikita ang inyong nililihim
    at pag ang pimples ay minsang dumating
    wag ikukubli ang yong paglalambing
    dahil ang pimples ay biglang mawawala
    at ang matitira ay mapait na alaala
    alaala ng pagsuyo, yakap at mga halik
    alaala ng pimples di na magbabalik

    sa bumisita

    August 7th, 2004

    mahal ko

    Posted by elbimbo at 09:19 AM on August 7, 2004.

    this is the man/ musician i dearly loved.. and will love for the rest of my life
    [img:343960]
    [img:343959]

    1 piling panauhin

    « | Older »